KAHIRAPAN
Isa sa pinaka mabigat na suliranin ng Pilipinas ay ang kahirapan. Ilang taon na nga ba natin itong problema? Hanggang ngayon ay hindi pa rin natin kayang solusyunan o kahit pigilan lamang ang paglala ng kahirapan sa ating bansa.
Madalas natin sisihin ang ating gobyerno dahil dito. Mahilig tayong magreklamo na mali ang paraan ng pamamalakad nila at kung ano ano pang mga kamalian na pwedeng isisi sa mga namumuno sa ating bansa. Pag walang trabaho, isinisisi sa gobyerno. Pag walang makain, isinisisi sa gobyerno. Kapag walang maayos na tirahan, isinisisi pa rin sa gobyerno. Lahat nalang isinisisi natin sa pamahalaan. Pero sino nga ba ang may kasalanan? Gobyerno lang ba ang dapat sisihin? Hindi ba't isa rin tayo sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay kahirapan pa rin ang pangunahing suliranin na kinakaharap ng ating bansa?
Hindi natin maitatanggi na maraming pagkukulang ang ating Gobyerno. Ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay Gobyerno lamang ang may kasalanan ng lahat. Aminin man natin o hindi, tayo rin bilang mamamayan ay nakadadagdag sa suliranin ng bayan. Bawat mali na makikita natin ay ating isinisisi sa Gobyerno. Lahat ng ginagawang pamamalakad ng ating mga pinuno ay hinahanapan natin ng kamalian kahit minsan ay wala namang mali sa mga ito. Sa halip na suportahan at bigyan ng oras ang mga proyektong isinasagawa para sa bayan ay pinipili pa nating balewalain ang mga ito sa kadahilanang hindi ito ang gusto nating mangyari.
Gaya na lamang ng mga job fair na isinasagawa sa bawat baranggay. Sa halip na suportahan at makipagtulungan sa pamahalaan ay mas pinipili pa nating magreklamo at tanggihan ang mga trabahong ibinibigay sa atin. Masyado tayong mapili. Gusto natin ay bigyan tayo agad agad ng madaling trabaho na may malaking sahod. Sa totoo lang, hindi naman nakukuha ang ganoong bagay sa madaliang proseso, kailangan natin itong paghirapan. Karamihan kasi sa ating mga pilipino ay tamad kumilos o tamad gumawa ng paraan upang makaahon sa kahirapan. Gusto natin ay iasa na lamang sa Gobyerno ang buhay natin. Kaya naman kapag di natin nagugustuhan o nararamdaman ang tulong na binibigay sa atin ng pamahalaan, hinahamak na lamang natin ito at dinadaan sa reklamo. Dahil sa mga ganitong gawain at pag uugali, pinapakita lang nito ang kawalan natin ng disiplina.
Umpisahan natin ang pagbabago sa ating mga sarili dahil hindi lamang isang taong namumuno ang may responsibilidad sa ating bansa. Mamamayan rin ang katulong ng namumuno upang magkaroon ng pagbabago. Wag iasa sa gobyerno ang lahat, matuto tayong disiplinahin ang ating mga sarili nang sa ganon ay makiisa tayo sa pagbabago na gustong ipalaganap ng ating pamahalaan. Sama sama tayong puksain ang kahirapan at makipagtulungan sa bawat mamamayan ng pilipinas.
Maganda ang mensahe at makatutulong ito upang malinawan ang iba pang mga pilipino
ReplyDeleteWow!!! Good job. Very interesting at napakaganda ng nilalaman
ReplyDeleteMaganda at naiintindihan ko yung message. Magaling!
ReplyDeleteMagaling. Madaling ito maintindihan ng mga mambabasa.
ReplyDeletemga pwedeng politiko sa hinaharap
ReplyDeleteGaling! Nawa'y isa kayo sa makapagpabago sa maling sistema ng ating pamahalaan. Mag-aral ng mabuti at tumulong sa bayan.
ReplyDeleteTunay ngang laganap ang kahirapan sa Pilipinas. Itong blog na ito ay nagdulot at nagbigay ng mga impormasyong tunay na makatutulong sa bawat. isa! mahusay!
ReplyDeleteMaraming nais iparating ang blog na ito. Maganda ang nilalaman. Nakakalungkot lang na minsa'y ang mga tao pa ang nagiging dahilan upang tayo'y maghirap. Sana'y mabuksan ang isipan ng lahat ng makakabasa nito para magkaisa tayo sa pagresulba ng problema patungkol sa kahirapan dito sa ating bansa. 😊
ReplyDeleteKahirapan , matagal ng suliranin ng pinas �� sa ay makahanap na ng paraan ang gobyerno upang masulusunan o mabawasan ang mga mahihirap sa pinas
ReplyDeleteNapakahusay! Ito ay isang magandang kaalaman para sa mga mamamayan.
ReplyDeletebilang isang estudyante na pag-nahihirapan sa isang gawaing pang pa-aralan ay mas pinipili ang mag browse o mag surf ng sagot sa kanilang inatas na gawain. thankyouuuu kasi nag bigay ito ng ideya sa akin upang mak buo ng isang magandang talumpati
ReplyDelete