KAHIRAPAN
Isa sa pinaka mabigat na suliranin ng Pilipinas ay ang kahirapan. Ilang taon na nga ba natin itong problema? Hanggang ngayon ay hindi pa rin natin kayang solusyunan o kahit pigilan lamang ang paglala ng kahirapan sa ating bansa. Madalas natin sisihin ang ating gobyerno dahil dito. Mahilig tayong magreklamo na mali ang paraan ng pamamalakad nila at kung ano ano pang mga kamalian na pwedeng isisi sa mga namumuno sa ating bansa. Pag walang trabaho, isinisisi sa gobyerno. Pag walang makain, isinisisi sa gobyerno. Kapag walang maayos na tirahan, isinisisi pa rin sa gobyerno. Lahat nalang isinisisi natin sa pamahalaan. Pero sino nga ba ang may kasalanan? Gobyerno lang ba ang dapat sisihin? Hindi ba't isa rin tayo sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay kahirapan pa rin ang pangunahing suliranin na kinakaharap ng ating bansa? Hindi natin maitatanggi na maraming pagkukulang ang ating Gobyerno. Ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay Gobyerno lamang ang may kasalanan ng lahat. Am